
Kamandang ng ahas o Venom ang agarang ikinamatay ng isang 7 taong gulang na batang lalaki sa Barangay Sta.Lucia ,Nagcarlan sa Laguna.
Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Jennifer Villa ,bandang alas 6 ng umaga noong Sabado nang ginigising nito ang kanyang natutulog na anak na si Neo Andi Daño.
Hindi na maimulat ang mata ng bata na pakiwari ng ina na natuklaw ito ng ahas dahil sa masukal na paligid na kanilang tirahan.
Agad na dinala sa pagamutan sa Nagcarlan District Hospital ang bata upang bigyang paunang lunas ngunit hindi na umabot pa ng buhay ang biktima .
Base sa salaysay, pitong tuklaw ng ahas ang natagpuan sa kanyang mukha ,braso at binti na kanyang agarang ikinamatay.
Panawagan ng pamilya ng biktima sa mga kinauukulan na matulungan ang bata sa mga gastusin sa kanyang paglilibing.