
DALAWANG libong siklista ang nagtipon-tipon nitong nakaraang araw ng Linggo sa lungsod Quezon upang ipanawagan ang reparation o ang pagbabayad ng mga mayayamang bansa o developing countries na sila umananong pumapasan ng epekto ng climate change.
Ayon kay Lidy Nacpil, tagapangasiwa ng Asian Peoples’s Movement on Debt and Development o APDD, ang aktibidad ay tinatawag na Pedal for People and Planet at ito ay sabayang ginawa sa Pilipinas, Indonesia, Malayasia, Vietnam, Japan, Bangladesh, India, Pakistan, at Nepal.
Sa kasalukuyan isinasagawa sa Egypt ang United Nations Climate Change Conference o COP27 kung saan nagpupulong ang mga kinatawan ng iba’t-ibang mga bansa upang talakayin ang climate change at iba pang mga isyung kaugnay nito.
Palinawanag pa ni Nacpil, ang reparation ay isang legal na kasunduan at marapat na gampanan ng mga mayayamang bansa. Dagdag pa niya, isang bilyong dolyar ang pledge ng mga ito taun-taon, subalit sa kasalaukuyan ay hindi ito natutupad.
Ayon naman kay Mayor Joy Belmonte, na siyang panauhing pandangal , welcome sa lungsod ang mga ganitong aktibidad dahil ang Quezon City noon pang May 2019 ay may climate action plan.
Dagdag pa ng alkalde , kaisa ng mamamayan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa panawagan ng climate justice.
Pumadyak ang mga siklista mula Quezon City Hall, binaybay ang kahabaan ng Quezon Ave diretso sa España Boulevard U turn sa P. Noval at bumalik sa Quezon City Hall upang mag-almusal at lumahok sa programa.