
PINALAKI ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mga benepisyo sa kalusugan para sa mga miyembro ngayong taon , ayon ito kay Health Secretary Teodoro Herbosa makaraang ang pagpulong ng mga gabinete matapos ang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Itinaas ang subsidiya para sa hospitalization ng 182 porsyento mula PhP32,000 hanggang PhP90,000, dahil sa mataas na panganib ng Pneumonia, ayon pa kay Herbosa.
Para sa acute stroke, tumaas ng 171 porsyento mula PhP28,000 hanggang PhP76,000 ang subsidy rito.
Pinalawak rin ang package para sa dialysis mula 144 na sesyon hanggang sa 156 sesyon, kasabay ng pagtaas ng subsidiya mula PhP2,500 hanggang PhP4,000 kada sesyon.
Umabot na sa PhP1.4 milyon ang benefit package para sa mga pasyenteng may breast cancer mula sa PhP100,000.
Layon ng pagtaas ng package na mabawasan ang gastos ng mga miyembro sa hospitalization at palakasin ang benepisyo para sa pangangalaga sa labas ng ospital .