
Nakiisa ang 126 magasasaka mula sa dalawang barangay ang isinagawang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) na Farmer’s Field Day on Water Melon Production noong nakaraang linggo sa Sariaya, Quezon.
Nagmula sa barangay Manggalang I, Kiling, at Bantihan mga magsasaka ang tinuruan ng dagdag kaalaman at pamamaraan ng DA-4A Research Division Outscaling of Rice-based Farming System Project na pinondohan ng DA-Bureau of Agricultural Research (BAR).
Ayon kay Senior Science Research Specialist at Project Leader Gng. Daisynette D. Manalo, “Layunin ng proyekto na isulong ang Crop Diversification strategy ng ahensya at bigyan ng tuluy-tuloy na produksyon, ani, at kita ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay, pakwan, at gulay,”.
Nagpapasalamat naman si DA-4A Assistant Research Division Chief Gng. Aida P. Luistro. mga magsasaka sa pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang ating proyekto.
Sa ating pag-aaral nakita natin ang magandang resulta ng crop diversification sa inyong ani at kabuhayan.Sinabi naman ng isang magsasaka ng palay na si Gng. Annabelle M. Aquino na “Napakalaking bagay po na kami ay maging kabahagi ng isang proyekto na nakakatulong upang mas mapaunlad ang pamamamaraan sa aming pagsasaka.
Salamat po sa DA sa pag-alalay at pagbibigay ng kaalaman,” .Dinaluhan nina DA-BAR Research Coordination Division Senior Agriculturist Bb. Amavel Velasco, Sariaya OIC-Municipal Agriculturist Gng. Nelia G. Oribe, at iba pang kawani ng DA-4A ang nasabing aktibidad.