February 25, 2024

Bigtime rollback sa krudo bukas

Ni Crema Limpin

BUKAS araw ng mga puso , ipatutupad ang isang bigtime rollback sa presyo ng krudo at kerosene .

Gayunpaman, walang paggalaw na magaganap sa presyo ng gasolina.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), papalo sa P2.20 kada litro ang bawas sa presyo ng krudo habang P2.50 naman sa kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto ng pagkain sa mga tahanan at restawran.