NATAGPUAN sa Angono, Rizal kahapon bandang alas -4 ng hapon ang naka-pugang inmate na inakalang patay dahil sa butong natagpuan sa septic tank sa New Bilibid Prison (NBP).
Halos isang buwang nagtago si Michael Angelo Cataroja y Laurel ,26 , sa kanyang tinutuluyang bahay sa Sitio , Manggahan San Isidro ng naturang bayan.
Sa pahayag ng Angono Municipal Police , minanmanan ng mga operatiba ng halos isang linggo ng naturang lugar si Cataroja .
Ayon sa Bureau of Corrections o BUCor, dinala si Cataroja noong July 26,2022 na sentensyahan ito ng 10 taon pagkakabilanggo dahil sa kasong Anti-Fencing Law .
Dinala ito sa Maximum Security Compound noong October 20,2022 dahil sa isa pang nakapending na kasong carnapping hanggang sa nakatakas si Cataroja sa bilibid nitong July 15 .
Inakalang patay na ito dahil sa natagpuang buto sa septic tank ngunit nang isailalim sa forensic examination napag-alamanang buto lamang ito ng manok .