June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Gumuhong pader sa QC Hall 1 patay ; 3sugatan

Ni Len Dancel

ISA ang nasawi habang tatlo ang sugatan makaraang gumuhong ang ginagawang pader ng Quezon City Hall nitong Huwebes bandang alas-10 ng gabi.

Nasawi si Russell Grezo, 22, residente ng Old-Siargao del Norte, habang sugatan naman ang mga kasama niyang sina Erwin Ramos, 32; Joshua Garcia, 23, at Christian Mamposte, 20, pawang residente ng Quezon City.

Base sa ulat  ni  Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Nicolas Torre III, bandang  alas-10:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa construction site sa loob mismo ng Quezon City Hall.

May ginagawang scenic elevator na isa sa mga gusali sa loob ng compound ng city hall nang biglang gumuho ang pader habang sila ay naghuhukay .

Agad na isinugod sa ospital ng mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima, ngunit binawian ng buhay ang isa sa kanila.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyari upang matukoy ang dahilan ng pagguho ng pader.