
SA isinagawang internal investigation ng New Bilibid Prison (NBP) hinggil sa pagtakas ng person deprived of liberty (PDL) kamakailan, ipinakita ang actual demonstration kung paano ito nakatakas.
Ipinakita ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Linggo ang video ng pagtakas ng inmate na si Michael Angelo Cataroja .
Nakatakas ito nang magtago at kumapit sa ilalim ng isang garbage truck .
Si Cataroja ay 25 anyos , na may kasong anti-fencing law at nahuli sa barangay San Isidro, Angono, Rizal nitong Aug. 17 na naiulat na nawala noong July 15.
Mayroon din itong naka-pending na kasong carnapping kaya naman ito inilipat sa maximum security compound.
Ang Senate Committee on Justice and Human Rights naman ay magsasagawa ng public hearing kay Cataroja sa araw ng Martes.