May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Bilyonaryong may-ari ng Balesin Island, pumanaw sa edad na 86

Ni Len Dancel

SUMAKABILANG buhay na ang bilyonaryong negosyante na si Roberto V.Ongpin sa edad na 86.

Ayon sa kanyang maalapit na kaibigan,  pumanaw ito habang natutulog kagabi .

Kilala si Ongpin na  may-ari ng tanyag na ekslusibong resort na Balesin Island sa Polilio, Quezon.

Noong taong 2018 napabilang sa Forbes magazine si Ongpin bilang ika 12th na pinakamayamang Pilipino na may net worth na US$3.72 billion.