NASAWI ang isang binatilyo noong Lunes makaraang malunod matapos tumalon sa ilog sa Bgy. Dawe, Minalin, Pampanga.
Batay sa ulat na kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. ni Pampanga police director Col. Eugene M. Marcelo, ang nasawi ay kinilalang si Jercy, 18, isang fishpond worker at residente ng Purok 6, Bgy. Dawe sa Minalin.
Agad na iniulat ni Barangay Dawe chairman Richard Zurilla sa pulisya ang insidente ng pagkalunod.
Sinabi ng chairman na nakita ang biktima na tumatakbo ito habang umuulan pagkatapos ay biglang tumalon sa ilog ngunit hindi na muling lumutang.
Ito ang nagtulak sa pulisya na magsagawa ng search operation sa pangunguna ng mga miyembro ng Minalin Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Agad ring narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng binatilyo
