February 23, 2024

Briton na convicted sa child porno, naharang sa NAIA

Ni Emmanuel Santiago

NAHARANG kaagad ng Immigration sa NAIA ang isang convicted na Briton dahil sa kasong child pornography.

Ayon kay Immigration Commissioner  Norman Tansingco  si nakilala si Anthony collins, 42 anyos na isang  registered sex offende(RSO)  sa isang outright exclusion  sa ilalim ng Philippine Immigration Act.

Agd na pinabalik ito sa kanyang pinanggalingan at isinailalim ng BI sa blacklist na undesirable aliens .

Ayon sa impormasyon ng Interpol’s National Central Bureau (INCB) ng Maynila, si Collins ay nahatulan sa Manchester , England dahil sa  voyeurism at pagkuha ng indecent na larawan mula sa  dalawang 16-anyosn na bata.

Base sa talaan ng BI nasa 130 na ang naitalang sex offenders ang kanilang na- intercept mula Enero nitong taong kasalukuyan.