
ISA na namang bus ang nadisgrasya sa may Brgy Apulid, Paniqui, Tarlac ngayong araw na naging sanhi ng pagkawala ng kuryente sa bayan.
Ang insidente ay nangyari kaninang mga bandang alas singko ng umaga.
Ayon sa mga nakasaksing mga motorista, ang bus ay tumatakbo ng mabilis at tuloy-tuloy na bumangga sa poste.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Paniqui Municipal Police Station (MPS), sa mga ganitong sitwasyon ang dahilan ay ang sandalling pagkakaidlip ng mga drayber dahil sa pagod at puyat.
Ang bus na nadisgrasya ay isa sa mga unang biyahe ng First North Luzon Transit sa madaling araw papuntang Pangasinan mula Quezon City. Ang mga pasaherong sakay nito ay inilipat sa sumunod na byaheng bus papunta rin ng Pangasinan.
Wala namang naiulat na malubhang nasugatan sa nasabing insidente.
Sinabi naman ng Tarlac Electric Cooperative 1 (TARELCO 1), na ang dalawang feeders na nasira ay agaran niang aayusin ngayon din araw na ito upang magkarron ng kuryente ang town proper at kalapit na mga barangay nito .