
ARESTADO ang isang construction worker na may dalang Php 4,080,000.00 halaga ng shabu sa open parking lot ng isang restoran sa North Caloocan.
Tinukoy ng mga operatiba ang suspek na si alias Abdul, 20 -anyos na isang construction worker at resident ng Barangay 188, North Caloocan .
Natimbog ng pinagsamang operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PDEA RO-National Capital Region RSET 1, at PNP Substation 14 Caloocan ang sa isinagawang buy-bust operation nitong Mayo 15, 2025 sa ganap na 6:25 ng gabi ang nasabing suspek.
Kumpiskado sa suspek ang humigit kumulang na 600 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php4,080,000.00 at buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II, Republic.Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.