
NAMATAY ang Filipino climber engineer na si Philipp Santiago II habang naghahanda sa pag-akyat sa pinakamataas na tuktok ng Mt. Everest, ayon sa ulat nitong Huwebes.
Sa ulat ng Himalayan Times, pumanaw si Santiago habang siya at ang mga miyembro ng Mountaineering Association of Krishnanagar- Snowy Everest Expedition 2025 habang naghanda para sa summit push noong Miyerkules ng gabi.
Si Santiago ay bahagi ng ekspedisyon.
“He died at the place where he was resting… We are consulting to bring his body back to the base camp,” sabi ni Bodha Raj Bhandari ng Snowy Horizon Treks and Expedition, na nag-organisa ng pag-akyat.
Ang dahilan ng pagkamatay ni Santiago ay hindi pa matukoy.
Ang Camp 4 ay matatagpuan sa “Death Zone” ng Mt. Everest, kung saan ang antas ng oxygen ay lubhang mapanganib sa 26,000 feet above sea level .
Ang broadcast journalist na si Emil Sumangil na pinsan ni Santiago, ay humihingi ng panalangin para kay Santiago.
“Our family is asking for prayers for the eternal repose of the soul of our beloved Engr. Philipp PJ Santiago II. We also continue to pray for the safety and well-being of Karl Miguel Santiago during this difficult time,” ani Sumangil.
Si Karl Miguel ay pamangkin ni Santiago na naging bahagi din ng ekspedisyon.