HINATULAN ng guilty ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) ngayong Huwebes, May 2 ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo, at dalawa pang kasama sa kasong ilegal detention na isinampa ng comedian -actor na si Vhong Navarro.
Sinentensyahan ng korte sina Lee, Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Simeon Palma Raz ng reclusion perpetua , “found guilty beyond reasonable doubt,”, walang piyansa ,at 40 taong pagkakakulong ngunit maaari nitong iapela pa sa korte ang hatol.
Base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng bogado ni Navarro na si Alma Mallonga, si Cornejo, na naroroon sa panahon ng promulgasyon, ay agad na ipinatapon ng korte. Naglabas rin ang korte ng isang warrant of arrest para kay Lee.
Noong 2014, inakusahan ni Navarro ang kampo ni Lee ng serious illegal detention , na sinasabing inipit siya ng grupo sa condominium unit ni Cornejo sa Bonifacio Global City noong Enero 22, 2014, sa pamamagitan ng pangbabanta sa kanya at pananakot sa kanya gamit ang mga baril. Inakusahan ni Cornejo si Navarro ng panggagahasa sa kanya.
Samantala, habang nakapiit si Navarro, iniulat na pisikal na sinaktan siya ni Lee at binalaan na papatayin siya kung hindi siya mabibigyan ng P2 milyon. Sumang-ayon si Navarro na magbayad ng kalahati ng halaga para sa kanyang paglaya. Sinabi ni Lee na ang pagkapiit ay kanyang pagtatangkang “citizen’s arrest” bilang tugon sa alegasyong panggagahasa kay Cornejo.
Si Lee at Raz ay na-aresto noong Abril 26, 2014, sa Eastern Samar.Ngunit nakalaya noong Setyembre 18, 2014, matapos payagan silang magpiyansa ng P500,000 bawat isa.
Noong 2017, tinanggap ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC na magpahintulot ng piyansa kina Lee, Raz, at Cornejo.
Noong 2022, tinanggihan ng CA ang mosyon ni Lee na ibasura ang kaso na isinampa ni Navarro.
Noong 2023, ibinasura ng Supreme Court 3rd Division ang mga alegasyon ng panggagahasa at mga aktong malaswa na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro.
Samantala , makaraang maglabas ng arrest warrant ang pulisya laban sa mga akusado , agad namang sumuko Dadalhin sa new Bilibid Prison sa Muntinlupa si Raz habang si Cornejo naman ay sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
