ISA nanamang pambobomba ng water canon ang ginawa ng China sa barko ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.
Batay sa ulat, binomba ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas ng water cannon na tutungo sa Bajo de Masinloc.
Ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay maghahatid ng krudo at iba pang suplay sa mga mangingisdang nasa lugar.
Nangyari ang insidente nang magradyo ang CCG sa barko ng BFAR upang sila ay pigilan ngunit hindi nila umano pinapansin ang mga ito.
Ang kinaroonan ng barko ng BFAR ay nasa bahagi pa noon ng exclusive economic zone ng Pilipinas