
DUGUANG ang isang Chinese national na lalaki ang nakatas makaraang dukutin ng dalawang katao saka iniwan sa National Highway , Barangay , Pansol Calamba City sa Laguna nitong Martes .
Sa ulat ng Calamba City Police , ang biktima na nasa edad 40 hanggang 42-anyos na Chinese national ang hindi na muna pinangalanan .
Ayon sa mga nakasaksi , bandang alas 10:46 ng gabi nang mapansin ng mga residente ang isang duguang lalaki ang kanilang napansing naglalakad.
Hindi magawang makapagbigay ng impormasyon ang biktima dahil sa hindi makapagsalita ng ingles ito at bukod tangi nasasabi lamang ay City of Dreams.
Agad na dinala ang biktima sa himpilkan ng pulisya upang makapagbigay ng ilang detalye at maipagbigay alam sa Paranaque Police para sa imbestigasyon.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay dinukot ng isang Pilipino at kapwa Chinese kungsaan ay isinakay siya sa isang hindi masabing sasakyan habang nakapiring ang mata.