June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Groundbreaking ceremony ng Laguna Regional Hospital

GINANAP ang groundbreaking ceremony ng Laguna Regional Hospital sa bayan ng Bay sa lalawigang ito  ngayong araw ng Huwebes , Mayo 16, 2024.

Nasimulan na ang pagatatayo ng pagamutan  matapos maisabatas ang Hpuse Bill 9623 na pagkakarron ng Level III General Hospital sa dalawang ektaryang lupain sa bayan ng Bay.

Inihain ng Kongresista ng ikalawang Distrito na Congresswoman Ruth Hernandez sa mababang kapulungan ang House Bill 9623 kung saan naglalayong makapagpatayo ng Laguna Regional Hospital  upang magkaroon ang mga Lagunense ng kalidad na serbisyong medikal.

Naisabatas noong  Disyembre 12, 2023 ang HB 9623  kung saan nagkaroon ng Deed of Donation mula sa Department of Health (DOH) .

Sa pamamagitan nito mas mapapalakas at mapapalawak ang public health care system sa naturang lalawigan.