Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna – GINAWARAN ng pagkilala ang isang natatanging pulis mula sa lalawigan ng Cavite bilang “Huwarang Pulis 2023.”
Pinangunahan ni Col. Jacinto “Jac” Malinao Jr., ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4A, ang pagbibigay ng parangal sa CIDG RFU 4A Conference Room.
Napili si Patrolman Owen Edrian Zamora ng CIDG Cavite mula sa tatlong iba pang nominado.
Si Zamora ay tumanggap ng isang plake ng pagkilala mula kay Malinao at premyong salapi mula kay Regional Advisory Group (RAG) chairman at Vice Mayor Jay Ilagan ng Mataas na Kahoy, Batangas.
Maging ang iba pang mga nominado mula sa iba’t ibang Provincial Field Units (PFUs) ay nakatanggap rin Certificate of Recogniton at salapi kasama dito sina Cpl. Dan Asi mula sa Batangas, Pat. Quincy Joseph Bico mula sa Rizal, at Pat. David Allan Arroyo mula sa Quezon.
Ang aktibidad ay bahagi ng best practice ng CIDG RFU 4A at ang ambag ng RAG sa pagsuporta sa moral at kagalingan ng mga tauhan ng CIDG RFU 4A.