
Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Civil
Society Organization (CSO) Accreditation Orientation para sa mga farmer’s cooperatives
and associations (FCAs) sa rehiyon bilang paghahanda sa implementasyon ng
Community-based Swine Production through Clustering and Consolidation Project.
Naglalayon itong mapalaki at mapaunlad ang swine production sa pamamagitan ng
pamamahagi ng puhunan pampagawa ng imprastraktura at pambili ng panimulang
feeds at hayop. Upang maging kwalipikadong benepisyaryo, kailangang maging CSO-
accredited ang samahang interesadong sumali.
Ang oryentasyong ito ay pinangunahan ng DA-4A Livestock Program at nagsilbi
namang tagapag-salita nito si Ms. Amor Dela Cruz, CSO Accreditation Coordinator ng
rehiyon. Pinag-usapan dito kung ano ang mga magiging tulong ng CSO accreditation sa
mga samahan, proseso ng application, at mga requirements upang mag-apply.
Hinikayat ni Dr. Jerome Cuasay, regional coordinator ng Livestock Program, ang
mga samahan na magpa-accredit upang mabilis na maipaabot sa kanila ang mga tulong
na hatid ng Community-based Swine Production through Clustering and Consolidation
Project at maging kwalipikado din sila sa iba pang programa ng Kagawaran.
Pinaalalahanan din niya ang mga ito na maagang makipag-coordinate sa DA-4A na
tutulong sa kanila sa pag-kumpleto, pag-review, at pag-submit ng kanilang mga
requirements.
Aktibong nakipag-diskusyon ang mga samahan sa oryentasyon. Bukod sa CSO
accreditation, inalam din nila ang mga benepisyon kanilang makukuha sa Community-
based Swine Production through Clustering and Consolidation Project. Sampu sa mga
samahang nagsidalo ay nagpakita ng interes na magpa-accredit.