TATAKBONG gobernadora sa lalawigan ng Laguna ang dating TV reporter at kongresista ng 3rd district na si Sol Aragones .
Nagsumite si Aragones ng certificate of candidacy (COC) sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Cruz, Laguna nitong Lunes kasama ang kanyang daan-daang tagasuporta.
Sa kanyang panayam sa mga mamamahayag , sinabi nitong na kung siya ay papalaring manalo bilang gobernador, prayoridad niya ang kalusugan at edukasyon sa lalawigan .