NAGSUMITE ng certificate of candidacy (COC) si Pakil Mayor Vince Soriano para sa pagka-kongresista ng ika-4 na distrito ng Laguna sa Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Cruz, Laguna noong Lunes.
Nais ni Soriano na bigyan ng prayoridad ang sports at edukasyon kung sakaling mahalal siyang kongresista ng ika -4 na Distrito ng lalawigan.
Matatandaan na ang bayan ng Pakil ang naging kauna-unahang nagpatupad ng Freedom of Information (FOI) ordinance sa lalawigan ng Laguna at sa buong rehiyon ng Calabarzon.