TOGETHER with Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice, we filed today before the Supreme Court a Petition for Certiorari and Prohibition challenging the constitutionality of Unprogrammed Appropriations in the General Appropriations Act (GAA).
Malinaw po sa Saligang Batas na bukod sa budget of expenditures, dapat may tiyak at malinaw na sources of funding ang sistema ng pagba-budget; wala dapat ditong nakaasa sa mga contingency o walang kasiguruhang panggagalingan ng pondo.
Sa UA, kabaligtaran ang nangyayaring process. Imbes na yung tiyak na budget o kita ang magdidikta sa pagkakagastusan, inaaprubahan na agad yung mga item na popondohan kahit wala pa namang pagkukunan ng pondo.
Wala ring transparency sa UA, kaya nga nagkaroon na dito ng grave abuse of discretion. The lack of sufficient and strict standards in spending UA is tantamount to undue delegation of legislative power to the Executive. Tinatanggal sa Congress yung “power of the purse,” o kapangyarihan ng Kongreso kung saang mga programa ilalaan at kailan gagamitin ang pondo. Kumbaga, parang blangkong tseke, kung saan bahala na ang Ehekutibo kung saan gagastusin.
The proper and Constitutional way is to remove the UA. Nakapaloob na dapat sa programmed funds ang kinakailangang mga items. The rest should be applied for funding later through a special appropriations law.
Hangga’t walang malinaw na ruling ang Supreme Court tungkol sa constitutionality ng UA, magpapatuloy ang kalakaran dito na naabuso na, at posible pang magamit sa anomalya.
Bilyon-bilyong piso na pera ng taumbayan ito na dapat nating siguruhin na hindi na magagamit pa sa kalokohan ng mga kurakot.
