May 21, 2024

The Insider News

Direct from the source

Diesel muling tataas hanggang P3.70 sa susunod na linggo

Ni Len Dancel

PINANGANGAMBAHANG muli ang isa nanamang pagtataas ng presyo ng diesel sa darating na linggo, ayon ito sa Unioil Petroleum Philippines ngayong Sabado.

Sinabi ng Unioil na magkakaroon ng taas presyo sa produktong diesel na aabot sa P3.70 hanggangf P3.90 kada litro, habang ang gasoline naman ay tataas ng P0.20 hanggang P0.40 kada litro.

Ito ang kasunod na pagtataas ng presyo ng krudo simula nitong nagdaang linggo kung saan nasa P3.50 ang itinaas ng diesel, P2.10 sa gasoline at P3.25 naman sa kerosene.

Ito na ang ika- 5 linggong sunod-sunod na taas – presyo ng diesel habang ika-4 naman  sa gasoline.