INANUNSIYO ni French Ambassador Marie Fontanel ngayong araw ng Martes na ang pagbabalik ng direct flights mula Manila patungong Paris na mag-uumpisa na sa Disyembre.
Magsisimula ang operation ng direct flights Manila to Paris sa Disyembre 8, 2024 tuwing Martes, Huwebes at Linggo na nasa 14 oras ang magiging tagal ng biyahe.
Sinabi rin ni Fontanel sa isang pressconference na ang direct flights ay isang “Christmas wish” na natupad para sa maraming Pilipino at French na nangangahulugan rin ng tagumpay sa pagpapalakas ng matagal nang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at France.
“Kaya’t tiyak na ito ay isang napakahalagang hakbang sa pagpapalakas ng ating bilateral na relasyon,” sabi ni Ambassador Fontanel.
Ayon pa kay Ambassador Fontanel na ang France ay nag-iisyu ng 37,000 visa bawat taon, na ginagawa itong nangungunang bansa sa European Union sa pag-iisyu ng visa.s
Nangako ang French ambassador na magiging matagumpay ang direktang flights at palalawakin ang kapasidad sa pag-iisyu ng visa.