PINAGBABARIL ng riding-in-tandem ang isang ang isang club disc jockey sa Las Piñas City noong Miyerkules ng gabi .
Sakay ng kanyang pick-up vehicle ang 34-anyos na biktima sa isang gasoline station sa Bgy. Pamplona Uno nang huminto malapit sa kanya ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo dakong alas-10 ng gabi noong Miyerkules.
Bumunot ng baril ang mga suspek at paulit-ulit na binaril ang biktima bago tumakas.
Hinala ng mga awtoridad na may kinalaman sa droga ang pagpatay sa biktima matapos makuhaan ng mga pulis mula sa kamay ng biktima ang isang plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.
Tinutugis naman ng pulisya ang mga armadong lalaki at iniimbestigahan ang motibo sa pamamaslang.
