NAGLAAN na ng 100 milyong pisong pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa emergency employment ng mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal .
Sianbi ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay President Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People briefing nitong Martes na “We are prepared just in case there were will more people that will be affected by Taal’s eruption. We are preparing, I’ve instructed our finance officer to make ready and available PHP50-PHP100 million, in case it’s needed,” .
Ayon pa kay Bello ,ipapamahagi ito sa mga apektadong residenteng tulad ng bayan ng Agoncillo ,Laurel,San Luis ,Taal ,Calaca,Calatagan at Lemery sa lalawigan ng Batangas.
Ang mga apektadong residente ay makatatanggap ng 10 araw na trabaho na babayaran ng minimum wage ng rehiyon.
“The minimum wage in Region 4 is 400 (pesos) a day, so they will work for 10 days, we will give them PHP4,000 for 10 days work. We can give that immediately,” dagdag pa nito.
Magkakaroon rin ng livelihood assistance sa mga indibidwal na apektado.
Base sa huling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nasa 1,823 o 6,568 katao na ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.
Umabot na sa 1,166 pamilya o 4,039 katao ang nasa 19 evacuation centers habang 484 pamilya naman ang o 1886 indibidwal ang pansamantalang nakikituloy sa mga kamag-anak.