
PINASINAYAAN ng National Housing Authority o NHA kamakailan ang isang dormitoryong laan para sa mga estudyanteng bahagi ng tinatawag na Indigenous People o IPs sa Narvacan, Ilocos Sur.
Ayon kay NHA Region 1 Officer in Charge Jefferson Ganado na kumatawan kay NHA Genereal Manager Jobe Tai, ang nasabing kaganapan ay ang katuparan ng komitment ni Tai at ng buong NHA para sa Building Better and More housing para sa mga Intormal Settler Families o ISFs.
Ayon naman sa mensahe ni Tai, ang mga bahay na ipinatayo ng ahensya ay angkop sa kultura, tradisyon at paniniwala ng mga katutubo. Dagdag pa nya, ang pabahay, pangkabuhayan, at edukasyon at iba pang anyo ng assistance ay ang syang pangunahing layunin ng ahensya para matulungan ang ating mga kababayan.
Ang proyektong pabahay na ito ay saklaw ng Housing Assistance for Indigenous People Program o HAPIP. Sa tulong ng programang ito makapaghatid ang pamahalaan ng disente at makataong pabahay sa ating mga kapatid na katutubo.
Sinabi rin Tai na ang proyektong ito ay maging halimbawa sana ng kanilang pagsisiskap na makapaghatid ng mga housing programs para sa lahat. Isa lang aniya ito sa maraming tagumpay ng ahensya at umaasa aniya sya na bago matapos ang kanyang termino, sa tulong ng mga partners at iba pang stakeholders ay matugunan na ang pangangailangan ng bansa para makatao at disenteng pabahay.
Dumalo rin sa inauguration sina Narvacan Mayor Pablito Snidad Sr. 2nd District Representatove Kristine Singson Meehan, dating Mayor Luisito Chavot Singson at si ISPSC Campus Administrator Dr. Erned Manzano.