
APRUBADO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng polyethylene terephthalate (PET) plastic bottle waste bilang additive para mapahusay ang katatagan at pahabain ang tagal ng aspalto na mga pambansang kalsada.
Batay sa 2024 na inisyatiba ng paggamit ng Low-Density Polythylene (LDPE) plastic bag waste sa paggawa ng kalsada, nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang isang Department Order sa standard specification para sa paggamit ng isa pang plastic waste material na tinatawag na Item 310 (19) o ang bituminous concrete surface course na may PET plastic bottle waste, hot-laid.
Ang plastic waste mixture ay bahagi na ngayon ng DPWH Standard Specification for Highways, Bridges, and Airports, Vollume II, at kasama na ngayon sa Project and Contract Management Application ng Department na gagamitin para sa mga susunod na proyekto ng DPWH Regional Offices, Unified Project Management Office Clusters, at District Engineering Offices sa buong bansa.
“Ang paggawa ng basura sa mahalagang mapagkukunan para sa paggawa ng mas mahusay at mas maraming mga kalsada ay ang kinabukasan ng pampublikong imprastraktura sa bansa. Ang publiko ay maaaring umasa ng higit pa sa mga patakarang ito habang kami ay nangangako na patuloy na magpopondo para sa mga pagbabagong ito sa konstruksyon, sabi ni Kalihim Bonoan.