MAARI nang magbayad gamit ang e-wallet application sa cellphone ang mga mamimili sa Kamuning Market sa Quezon City. Ito ay matapos mag-ikot ang mga knatawan ng isang sikat na e-wallet application kasama ang mga kawani ng Market Development and Administration Department (MDAD) sa Kamuning at Murphy Market para bigyan ng PalengQR ang mga vendor.
Ang PalengQR ay isang unified Quick Response (QR) code ng mga vendor na maaaring i-scan ng mga mamimili para bayaran ang mga produktong nabili, gamit ang application ng anumang financial service provider. Sa ganitong paraan ay maari nang mamalengke nang walang dalang cash o yung tinatawag na cash-less transaction ang mga taga QC.
Ang PalengQR ay proyekto ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Layunin ng proyektong ito na magjng mas konbinyente ang pamimili ng mga mamamayan sa mga pampublikong pamilihan.
Target ng MDAD na malagyan ng PalengQR ang lahat ng vendors sa mga pampublikong palengke sa lungsod ngayong buwan