WALA nang ligtas para mag-deny ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales tungkol sa nalalapit niyang kasal sa billionaire boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo.
Isang netizen ang nakakita sa picture ni Erich at non-showbiz boyfriend niyang si Mateo sa bulletin board ng marriage banns ng isang simbahan sa Ayala, Alabang.
Naka-sked ang kasal nina Erich at Rafael sa March 23 sa Saint James the Great Parish Ayala Alabang.
Komento ng netizens, sobrang napaka-private raw ni Erich pagdating sa personal life.
“Tatahimik yun pala ilakasal na.”
Maging nu’ng maging boyfriend daw niya si Mateo ay hindi raw mabubuko kung di pa si Kris Aquino ang kumuda sa kanya.
Sobrang lapit kasi ni Erich kay Kris kaya hindi siya nakatanggi nang tanungin siya ni Kris noon kung sino ang guy na sumusundo sa kanya na naka-helicopter pa.
Si Mateo ang naging kapalit ni Daniel Matsunaga sa puso ng aktres nu’ng magkahiwalay sila.
Sari-sari tuloy ang komento ng madlang netizens:”Huwaw. Iba talaga kapag maganda, nakakapili ng mapapangasawa. Sene ell neleng.””29 lang pala ang guy. Thought he’s in his 30s na.””Approved talaga si Erich sa family ano .””Ayala-Alabang. Yayamanin.”
“Winner ang maritess na may matang-lawin HAHAHAHA””Yaaaaay so private this girl! I love her.””swerte, Del Monte owner yan””Yes, she probably met him thru the Barrettos when she was still close with Julia.
The guy is the brother of Claudia Barretto’s boyfriend, Basti Lorenzo. Not sure tho if si Claudia pa and Basti until now.””Not anymore break na””rich family yan for sure may pre nup.”
“Actually their family used to run Del Monte and Pancake house. Hanggang na-acquire na ng ibang companies.””di ba si Kris din nag-match kay erich and daniel matsunaga? i remember this ako ang nahihiya para kay erich kulang na lang pagtulakan ni kris si erich”
“Congratulations! Wow she’s engaged na pala and getting married na.””Congrats, sis! Di ka na maghihirap.””Self made at mayaman din naman si Erich. Madami siya investments na real estate. Bumili yan sa amin ng lote””ruth! Despite annoying si erich due to her being pabebe, i know na hindi palamunin siya. She works hard and invest a lot.”
“How dare you invalidate Erich’s own efforts. She has her own wealth, not as big as her fiancé but she can stand on her own financially.””Mga ate yung yaman ni guy hindi lang pang showbiz. Old rich yung pamilya nila. Si Erich galing naman talaga sa hirap pero nagsumikap para yumaman.
Talaga namang di na sya maghihirap. Anong offensive dun? Pag artista ba bawal na maghirap?””Ang low key nilang dalawa. Hindi mapost sa social media. Good job. Congrats!””di sya ma-post coz ang family ni guy ay conservative,took yrs para sya ay slight na matanggap.””Akalain mo kailan kaya siya na engaged sobrang low key niya talaga.””Si Erich talaga type na hindi maflex sa social media kung iba yan nakapost na yung day na naengage siya”