May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Janella Salvador hindi pa handang pakasal kay Markus

Ni Wally Peralta

MATAGAL na rin namang magpartner sina Janella Salvador at Markus Paterson, at malaki-laki na rin ang kanilang anak na puwedeng-puwede nang maging ring bearer sa kasal nila.

But until now, tila wala pang linaw kung may balak nga magpakasal ang dalawa.

“Wag na muna. Matagal tagal pa ‘yun. Di pa namin iniisip,” sagot ni Janella sa tanong kung kailan ang kasalan.

Kung may mga kababaihan na nagkaroon ng anak kahit di pa kasal ay nangangarap na maikasal sila, si Janella at Markus ay chill lang.

“Syempre gusto ko pag nagpakasal kami, sobrang-sobrang okay ang lahat. Stable ka financial, emotionally, lahat. We’re still learning new things about each other and how we are as parents so hindi pa namin naiisip yung, ‘pakasal na tayo’ ganon, wala pa,” paliwanag Janella.

Sa ngayon Kasi bukod sa abala siya sa  anak nila ni Markus,  tuluy-tuloy pa rin ang taping niya sa latest seryeng ginagawa para sa Kapamilya Channel na  “Darna.”

Si Janella ang gaganap sa inaabangang serye bilang si Valentina — ang mortal na kalaban ni Darna, na gagampanan naman ni Jane de Leon.