
GINULANTANG kaninang umaga (Miyerkules) ng bomb threat na ipinadala sa Facebook messenger ng mga opisyal at guro na nagkaklase sa Surigao del Norte High School (SNNHS) sa Barangay San Juan, Surigao City .
Ayon sa pamunuan ng eskwelahan , agad na sinusupindi ang mga klase roon upang agad na lumikas muna .
Agad naman nagpadala ng mga pulis ng Explosive and Ordnance Disposal (EOD) team upang alisin ang paligid ng pasilidad at mga silid-aralan .
Matapos ang ilang oras na paghahalughog , wala namang natagpuang bomba ang EOD na sinasabi ng nagpadala ng mensahe.