
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang dating Mayor ng Cateel ,Davao Oriental sa harap ng fast food chain sa Barangay Buhangin Proper, Davao City , Miyerkules ng umaga.
Patay sa limang tama ng bala na tumama sa katawan ng biktimang si Gisello Castillones, 67 anyos na alkalde Cateel noong 1980s.
Ayon sa mga otoridad, agad na ideneklarang patay sa Southern Philippines Medical Center ang biktima nang dumating sa pagamutan .
Maging ang driver nito na nakilalang si Junie Castro ay sugatan din .
Nakaligtas ang kasama nilang babae na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakayan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, galing ang tatlong biktima sa fast food chain sakay ng SUV nang may bigkanf sumulpot na dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo saka sila pinagbabaril.
Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang limang cartridge ng .45 caliber pistol .