
DINAKIP si dating Pangulo ng Rodrigo Roa Duterte matapos matanggap ng Interpol, Manila kaninang madaling araw ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court(ICC).
Inabangan ang pagdating ng dating Pangulo sa Paliparan ngayong araw ng Martes ika-11 ng Marso2025 , bandang alas-9:20 ng umaga matapos dumating sa Maynila mula HongKong.
Sakay si dating Pangulong Duterte at ang kanyang grupo ng Cathay Pacipic CX 907.
Agad na inihain ng Prosecutor general ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan.
Agad na sinuri ng mga doctor ng gobyerno ang dating Pangulo at ang kanyang grupo na nasa mabuting kalusugan upang siguraduhin na siya ay nasa maayos na kalagayan.
Ang mga opisyal ng PNP na nagpapatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na camera.
Sa ngayon , nasa kustodiya ba siya ng mga kinauukulan.