
Mariing pinabubulaanan ng mga magulang ng mga batang nabiktima ng Dengvaxia ang bali-balitang nagkasundo na ang Public Attorneys Office kaugnay sa isyu ng conflict of interest.
Inihayag ng mga magulang na hindi totoo ang balitang ito at katunayan ay nanatiling buo ang suporta ng PAO lalo na ang hepe nito na si Persida Acosta ukol sa kanilang laban upang makamit ang hustisya ng mga namatay at survivor ng bakunang sinasabing nasa clinical trial phase pa lamang nang iturok sa mga bata.
Ayon pa sa isang magulang, hindi sila naniniwalang ilalaglag ng PAO ang laban para sa mga biktima ng DENGVAXIA. Katanuyan, limang taon na silang magkakasama upang abutin ang hustisya sa mga biktima at survivor.
Malaki din ang paniniwala ng mga magulang na may operasyon sa media upang siraain ang samahan ng PAO at ng mga magulang ng biktima ng Dengvaxia.
Samantala, tuloy pa rin ang kanilang panawagan sa kay Secretary of Justice Crispin “Boying” Remulla na tanggalin si Department of Justice Undersecretary Jessie Andres dahil sa usapin ng conflict of interest . Dahil itong Andres ay dating abogado ng akusadong si Janeth Garin na dating kalihim ng Department of Health, at ngayong Congresswoman na kumakatawan sa Ilo-ilo.