NAKATAKDA ang Food and Drug Administration (FDA) na pagaanin ang panahon ng pagsusuri at pag-apruba ng mga aplikasyon ng generic drugs mula sa 120 na araw pababa sa 45 na araw lamang.
“I’m on the verge of signing the memorandum circular for the facilitation of FRP for generic drug – it means it will shorten the 120 days to 45 days “ ani FDA Director General Samuel Zacate sa isang pahayag sa Palasyo noong Martes .
Ginagamit ng FDA ang Facilitated Review Pathway (FRP) bilang isang alternatibong proseso ng rehistrasyon, kung saan sila ay humahanap sa mga pagsusuri na isinagawa ng isang ahensya ng regulasyon ng gamot sa ibang bansa kapag gumagawa ng kanilang sariling pagsusuri.
So, it is a matter of time that I will sign that. So, mas mapapadali iyong proseso, mas mapapabilis at maikli na lang po ang oras because the FDA has two types of regulations, number one is the full review and number two is the recognition and reliance,” ayon pa kay Zacate .
“The generic drug, as long as they have been leveled as generic ay wala na silang patent issue at approved naman po sila and it has been in the market of their originating country and then iyong originating country naman niya is strict regulatory agency, pagpasok po noon sa bansa, in-import po natin sa bansa ‘no, it will be subject only to 45 days,” dagdag pa niya.
Nilinaw ni Zacate na hindi binawasan ang bilang ng mga kinakailangan para sa mga prosesong ito.