ISINUMITE na ni Rep. Zia Alonto Adiong para sa unang pagbasa ang House Bill 9786 o ang tinatawag na “Financial Literacy and Peace Education Act of 2024”.
Ang Financial Literacy and Peace Education Act of 2024 ay naglalayong ipakilala ang bagong paksa na financial literacy at peace education sa buong K to 12 basic education curriculum.
Isa sa mga pangunahing kaso na nagiging sanhi ng mga hidwaan ay tungkol sa pinansyal na aspeto tulad ng mga kakulangan sa pang araw-araw na gastos sa bahay, pangkain, mga bayarin, at iba pang uri ng financial difficulties.
Bilang tugon sa isyu na ito, ang financial literacy ay magbibigay ng practical financial management skills, habang ang peace education ay nakatuon sa paglutas ng mga hidwaan gamit ang diplomasiya at pagpapaunlad ng kultura ng kapayapaan.
Kaya’t taos-puso ang ating pag-asa na sa pamamagitan ng naturang panukala, ang kabataan at maging lahat ng Pilipino ay mas maging maalam at handa para makapag-ambag bilang produktibo at mapayapang miyembro ng bansa upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
