
SUGATAN si dating Pangulong Donald Trump noong Sabado sa pagtatangkang assassination sa isang rally sa Pennsylvania sa United States.
Nakita si Trump na may dugo sa kanang tenga habang inililipat siya palabas mula sa entablado, ayon sa mga footage sa social media.
Sinabi ng tagapagsalita niya na si Steven Cheung na ang dating pangulo ay “fine”.
Itinuturing ng Federal Bureau of Investigation na suspek si Thomas Matthew Crooks, 20 taong gulang, mula sa Bethel Park, Pennsylvania.
Sinabi ng FBI ng nitong Linggo ng umaga nang magpaputok ng baril si Crooks sa isang rally ng kampanya sa Pennsylvania at agad namang napatay ng mga agents ng Secret Service.
Tinatayang isang manonood ang namatay at dalawa ang nasa kritikal na kondisyon.
Kinondena ni Pangulong Joe Biden ang pamamaril.