May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Gintong itinago sa eruplano , kumpiskado ng BOC

Ni Chris Lucas

Kumpiskado ang 24 kilong ng samu’t-saring alahas na gawa sa ginto na nagkakahalaga ng 80million pesos na itinago sa lavatory o lababo sa banyo ng eroplanong  may tail number PR 301 mula Hong Kong. 

Nadiskubre ang mga ginto habang isinasagawa ang boarding inspection ng Bureau of Customs sa NAIA Terminal 2 noong November 17, 2022.

Agad na ipinag-utos ni BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan ang  imbestigasyon upang matukoy kung sino o sinu-sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng ginto sa bansa.

Siniguro rin ni Talusan ang mas mahigpit na pagpapatupad ng border security protocol ayon na rin sa utos ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz na alinsumod din naman sa ayas ni Pangulong BongBong Marcos na tuldukan ang smuggling sa bansa.