AGAD na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ang mga biktima ng 6.9-magnitude na lindol sa lalawigan ng Cebu upang magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong residente.
Dumating ang Pangulo sa Lungsod ng Bogo na malapit sa sentro ng malakas na lindol noong Setyembre 30.
Siniyasay ni Marcos ang ilan sa mga nasirang istruktura habang nakipag-ugnayan rin sa mga biktima.
Ininspeksyon din nito ang mga gumuhong housing unit sa SM Cares Village sa Barangay Polambato habang nakipag-usap din sa mga apektadong pamilya.
Ang SM Cares Village ay itinatag ng SM Supermalls noong Nobyembre 2014 para sa mga biktimang nakaligtas sa Super Typhoon Yolanda.
Binisita rin ni Pangulong Marcos ang Archdiocesan Shrine at Parish Church of St. Vicente Ferrer sa Barangay Bungtod, ang mga simbahang nagtamo ng matinding pinsala .
Pinuntahan rin niya ang City of Bogo Science and Arts Academy sa Barangay Cogon,na isang pampublikong paaralan na lubhang napinsala noong lindol.
Tiningnan niya rin ang Cebu Provincial Hospital sa Barangay Taytayan, upang mahatiran ang mga pasyente ng agarang tulong .
Ang mga kawani ng ospital ay naglagay ng mga makeshift ward sa parking lot upang asikasuhin ang pagdagsa ng mga pasyente.
