June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Guro natagpuang patay sa saksak sa Pampanga

Ni Emmanel Santiago

NATAGPUANG patay ang isang batang guro noong Miyerkules  sa Mabalacat City, Pampanga.

Sa ulat ng mga awtoridad tinukoy ni Mabalacat City police commander Lt. Col. Efren David kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang biktima ay nakilalang si Carlo Jabilles Doinog, 23.

Natagpuan si Doinog na walang buhay sa Blk. 80, 23 St., Phase II, Bgy., Dapdap sa Mabalacat City.

Agad na tumawag sa himpilan ng pulisya ng madiskubre ang isang concerned citizen sa Pineda Subdivision, Dau ang bangkay ng biktima.

Natuklasan ng pulisya ang biktima na may tama ng saksak sa leeg na kanyang agad na ikinamatay.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Mabalacat City police kaugnay sa nagyaring pagpatay sa guro.