MAGLALAANang 2026 national budget ng P68 bilyon sa susunod na taon para makapagpatayo ng hanggang 27,000 na mga silid-aralan, ayon kay Senador Win Gatchalian.
Nagdagdag ang Senate Committee on Finance ng P19.3 bilyon sa P48.7 bilyon na nakalaan na sa ilalim ng General Appropriations Bill (House Bill No. 4058).
Ang kasalukuyang budget na P68 bilyon ay limang ulit na mas mataas sa P15.25 bilyon na inilaan sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).
Ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance, maaari nang gumamit ang Department of Education (DepEd) ng iba’t ibang paraan upang makapagpatayo ng mga silid-aralan. Maaari nang pasukin ng DepEd ang mga kasunduan sa mga local government units at civil society organizations para sa pagpapatayo ng mga classroom.
Sa mga lugar na humaharap sa mga hamong may kinalaman sa peace and order, maaaring makipagtulungan ang DepEd sa Armed Forces of the Philippines Corps of Engineers. Upang matiyak na construction-ready ang mga school sites sa ilalim ng public-private partnership projects ng DepEd, P160 milyon ang ilalaan sa ilalim ng public schools infrastructure program para sa mga gawaing may kinalaman sa site development
