DINAGSA ng libo-libong Lagunense ang paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna ngayong Nobyembre 4, Sabado.
Nagbukas ng kani-kaniyang booth ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang magbigay-serbisyo sa publiko.
Ilan na riyan ang libreng health services at check-up ng Department of Health (DOH), murang mga gulay, prutas, at mga isda sa Kadiwa ng Pangulo, job fair handog ng Department of Labor and Employment (DOLE), Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs (DFA), driver’s license renewal at application, at marami pang iba!
Huwag magpahuli! Bukas ang mga booth sa BPSF hanggang ngayong Linggo, Nobyembre 5.(PIA)
