November 30, 2023

Higit P1 taas presyo ng petrolyo muli bukas

Ni Len Dancel

SIMULA bukas Setyembre 5 ay isa na namang taas presyo ng petrolyo ang magaganap.

May karagdagang P1.20 ang kada litro sa presyo ng diesel , nasa P0.5 kada litro naman sa gasolina habang P1.10 kada litro naman sa kerosene.

Ito na ang ika- 9 na beses na sunoid-sunod na linggo na taas presyo sa diesel at kerosene at ika-8 beses naman sa gasoline.

Simula buwan ng Hulyo na nagtaas ang presyo ng petrolyo ay nasa P14.40 kada litro ang itinaas sa diesel. Sa kerosene naman ay nasa P13.75 kada litro na ang nadagdag habang sa gasoline ay P9.65 kada litro.

Ayon sa Department of Energy, bunsod ito ng mga isyu sa world market.