
Olongapo City — SUMIKLAB ang isang napakalaking sunog kaninag umaga ng Easter Sunday, na tumupok sa isa sa mga pinaka-iconic na dining spot sa Olongapo City, ang sikat na Sam’s Pizza House sa Barangay Magsaysay.
Mabilis na rumesponde ang mga bumbero, ngunit tuluyang natupok ng apoy ang establisyimento na nag-iwan lamang ng mga sunog na labi ng minamahal na pizzeria.
Itinatag noong 1978, ang Sam’s Pizza House ay naging isang lokal na institusyon sa loob ng higit sa apat na dekada, na kilala sa mga natatanging lasa at family- friendly . Ginawa itong regular na hinuhintuan ng mga residente at turista.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, wala pang naiulat na nasaktan hinggil sa nangyaring insidente.