May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Ilang paaralan sa Batangas na disinfect na para maiwasan ang pagdami ng kaso ng Hand, Foot and Mouth

Ni Len Dancel

SUSPINDIDO na ang walong paaralan sa  San Pascual Batangas hanggang  Biyernes matapos tamaan ng Hand, Foot and Mouth Disease ang halos 150 batang mag-aaaral.

Naiulat ang pangangati , mga paltos sa balat na may halong lagnat ang mga batang nasa day care center hanggang grade 3 pupils sa walong  barangay tulad ng Pook ni Kapitan, Pook ni Banal, Resplanador,Natunuan North, Antipolo, Mataas na Lupa, Sambat at Sto.Nino.

Upang maiwasang kumalat pa ang sakit ay agad nang nag dis infect ang mga otoridad sa mga silid-paaralan maging ang pagbibigay ng bitamina at mga gamot sa mga tinamaan ng sakit.

Sa ngayon ay inaalam pa kung saan pang lugar sa probinsya ng Batangas kumakalat ang sakit na ito.

Ang hand,foot and mouth disease ay nagmula sa entero virus family na may sintomas na lagnat, ubo,sipon , sore throat, rashes , lesions sa bibig , kamay at paa at pagkawalang ganang kumain.

Kadalasang tinatamaan ng sakit na ito ay ang mga bata kung saan tumatagal ang virus sa katawan ng lima hanggang pitong araw.

Kung hindi agad malulunasan ang naturang sakit ay maaaring magkaroon ng meningitis at encephalitis Nakukuha ang sakit na Hand ,foot and Mouth disease sa person-to-person contact, respiratory droplets at mga kontaminadong bagay na hinawakan ng taong may virus