June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

410 Pamilya nabigyan na ng pabahay ng NHA sa 3 probinsiya ng rehiyon 4-A

Ni Chris Lucas

NAMAHAGI ang National Housing Authority o NHA ng Certificate of Eligibility for Lot Award o CELA sa 410 pamilya sa mga bayan ng Calamba, Laguna, Baras, Rizal, at Naic Cavite na  pinangunahan ng Region IV Office nitong nakaraang Oktubre 14 hanggang 16 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika apatnapu’t pitong anibersaryo ng ahensya.

May kabuuang 300 benipisaryo na apektado ng Supreme Court Mandamus na linisin ang Manila Bay sa bahagi ng Bacoor, Cavite ang ililipat sa Rancho Verde 1 & 2 at sa Ericka Louise Ville sa bayan ng Naic.

Habang may sampung benipisaryo mula sa Calamba City na apektado rin ng nasabing kautusan mula sa korte suprema ang ililipat naman sa La Vista de Calamba.

Samantalang 100 benepisaryo naman mula sa Cainta, Rizal na apektado naman ng Pasig-Marikina River Improvement Project ng Department of Public Works and Highways ang ililipat sa Hermosa Ville sa Baras, Rizal.

Ang nasabing mga proyektong pabahay na inaward sa mga benipisaryo ay bahagi ng NHA Resettlemment Program na nagbibigay ng mga pababay sa mga naapektuhan ng mga proyektong pangkaunlaran at imprastraktura ng pamahalaan at maging yaong  mga nakatira sa mga danger zone.

Si Regional Manager Roderick Ibañez ang syang kumatawan kay General Manager Joben Tai sa pamamahagi ng CELA, sa Calamba, Baras at Naic.

Kasabay ng pagbati sa mga benipisaryo para sa kanilang mga naging bahay, iginiit ni Ibañez ang pahayag ni General Manager Tai na ang isa sa mga dahilan kung bakit ang NHA ay patuloy na nagtatrabaho ay sapagkat  sapat nang kabayaran sa kanilangn pagsisikap kapag nakakakita aniya sila ng mga buhay na nagbabago, umuunlad dahil natutulungan ng pamahalaan.