MATINDING putik ang iniwan ng bagyong “Karding” sa kahabaan ng National highway patungong Barangay Pansol at Bucal sa bayan ng Calamba sa Laguna .
Agad na natgulong tulong ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways ( DPWH ), Bureau of Fire (BFP) at ilang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng clearing operations sa lugar.
Samantala , ilang parte ng Mabitac sa lalalwigan din ng Laguna ay nanatiling lubog sa baha .
Kaya naman nananatili ang pagbabantay sa lugar na ito lalo na kung babagsak pa ang ulan dahil sa itinuturing itong catch-basin mula sa mga katabing bulubundukin.
Sa ngayon, araw ng Lunes ay hindi pa nagpapakawala ng tubig ang Caliraya Dam sa Lumban .Nasa normal water level na 286.18 ang tubig rito , at naasahang magpapakawala lamang ng tubig rito kung sakaling umabot na sa normal high na 288.00 ang water level sa dam.