June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Cameroonian illegal alien, huli ng BI sa Batangas

Ni Maroe T Genosa

NATIKLO ng Bureau of Immigration(BI) ang isang illegal alien na Cameroonian national noong Miyerkules Setyembre 13 sa Banaba West lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco kinilala si Georges Aurelian Essiane Biko, 33 years old na lumabag sa immigration laws.

Sa bisa ng mission order ni Tansingco inaresto si Biko matapos matanggap ang isang sumbong sa BI dahil sa pananatili nito sa Pilipinas na walang valid na visa.

May sumbong din na kaso si Biko na domestic violence sa ibang lugar  kaya naman agad na ininspeksyon ang kanyang passport ngunoit wala umano itong maipakita sa mga tauhan ng immigration.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 37(a)7 of the Philippine Immigration Act of 1940, para sa kanyang pananatiling matagal sa bansa .

“We will not allow illegal aliens like him to run free in our country,” ayon pa kay Tangsingco.

Mananatili pansamantala si Biko sa pasilidad ng Bureau of Immigration sa Bicutan , Taguig habang inihahanda ang kanyangpagbalik sa kanyang pinanggalingan.